Kaaliw ang konsepto ng Plant Nanny na app ay kumbinasyon ng proseso ng pagtubo ng halaman kasabay ng healthy habit na pag-inom ng tubig. Ang Plant Nanny ay hinahayaan mamili ng isang cartoon seedling at plant sa isang paso na nakalagay sa isang bintanan.
Ang pag-inom ng tubig ay mahalaga sa buhay, ang problema ay hindi sapat ang naiinom na tubig. Sa naturang app ay paalalahanan kang uminom ng tubig. Sa bawat pag-inom ay lumalago rin ang alagang halaman sa app. Kapag nakaligtaan ay kasabay rin ng pagkatuyo ng halaman. Kaya ang role ng app ay magpaalala na kailangan mo nang uminom ng (8) walong baso ng tubig sa maghapon na magsisilbing guide ang app para matupad ito.