^

Para Malibang

Dapat bang ibalik ang pagtuturo ng GMRC sa klase?

ANGAS NG BAE - Pang-masa

“Wala rin silbing ibalik yang GMRC kung hindi aamyendahan ang batas tungkol sa labis-labis na karapatang ipinagkaloob sa mga kabataan. Sa nasabing batas, pati magulang ng bata wala ng karapatang parusahan ang kanilang anak how much more ang titser paano nila didisiplinahin ang mga bata. I-ammend muna ang batas bago iimplement yang GMRC para maging effective.” - Phillip, Baguio

“Tama yon, dapat ibalik ang subject na GMRC kasi sa aking obserbasyon ngayon na karamihan hindi naman lahat pag-iuutusan ang anak, ang sagot kaagad ay “wait lang!” Karamihan sa mga kabataan ngayon wala ng gaanong paggalang sa mga nakatanda sa kanila opinyon ko lang po yon.” -  Orland, Cavite

“Ibalik o hindi ibalik pareho lang po yan. Nasa tao lang yan. Kung anu-ano nang batas ang gustong gawin meron pang bawal mamalo ng anak. Kaya tumitigas ang ulo ng mga bata, dahil lumalakas ang loob nila.” - Emer, Manila

“Dapat lang yan. Kung mapapansin n’yo mas pasa­way na ang mga bata ngayon. Siyempre dahil yan sa kawalan ng respeto. Una, dapat sana ay mga magulang ang gumagawa niyan o nag-uumpisa. Sunod na sa school. Pero ayun nga, ‘di lahat ng mga magulang ay kasama ang kanilang mga anak, ang iba ay nasa abroad. Kaya maganda kung maibabalik ang GMRC sa K-12 para naman mahubog ang magandang pag-uugali ng kabataan.” - Nico, Makati

“Kahit ibalik pa ang GMRC subject sa K-12 curriculum, hindi pa rin babait ang bata dahil sa maraming factor una child protection law, broken family, single parent habang ang ina ay nagtatrabaho, nasa lola ang bata. Busy ang parents sa trabaho, walang time sa bata. Basic values sa mga bata the foundation is begin at home kailangan turuan ang bata magkaroon ng takot sa Diyos hanggang lumaki siya.” - Lyndon, Zamboanga

GMRC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with