Paano ka Umibig? (2) Ayon sa petsa ng Birthday mo :

Seven: Malakas magpadama ng pagmamahal sa taong nagugustuhan niya kaya agad nasusuklian ang pagmamahal niya.

Eight: Mabilis ma-in-love at very lucky na nakukuha niya ang gusto pero hindi lagi ito nagtatagal.

Nine: Madalas na nakakatuluyan ang kanyang first love. Tapat umibig. Masuwerte sa buhay may-asawa.

Ten: Hindi nagtatagal ang relasyon dahil sa pagi­ging seloso. Akala niya ay pag-aari niya ang kanyang karelasyon.

Eleven: Kung ang petsa ng birthday mo ay 11 ng kahit anong buwan, nakahanda kang magsakripisyo para sa iyong minamahal. Ang pag-ibig mo ay laging may kasamang gentleness, care at loyalty. Kaligayahan mong pagsilbihan ang iyong minamahal.

Twelve: Ikaw ang tipo ng lover na payag sa one-sided love affair—isa lang ang nagmamahal. Naniniwala ka sa eventually, matututuhan ka rin mahalin kapag ipinakita mo ang iyong wagas na pag-ibig. Kaya lang kapag kayo na, gusto mong ikaw lagi ang masusunod.  - Itutuloy

Show comments