Nakaukit sa lapida ang mga inscriptions patungkol sa pangalan, kapanganakan, at kamatayan ng namayapa. Minsan ang simpleng verses o kasabihan ay inilalagay rin.
Sa paglipas ng panahon ay marami nang paraan upang pagandahin ang headstone sa pagbibigay ng tribute sa loved one sa kanilang lapida.
Upang magbigay ng ilang personal na sentiment na gustong ipahayag sa namayapa o kung anong naging role niyo noong nabubuhay pa ito.
Tulad ng mga nakaukit sa lapida ng mga sumusunod: scholar, leader, teacher, friend, the sun shined because she was here.
Minsan ay mga personal na qoutation o statement ng yumao. “I lived a good life. Now I’ll have a good rest.” “I hate to leave you behind, but we’ll meet again one day.” “If I could do it again, I wound’nt change a thing.” “The greatest gift in life is love.”
Meron din mga verses sa Bible, gaya ng “The Lord is my shepherd; I shall not want mula sa Psalm 23 na pinakasikat na nilalagay sa mga inscriptions sa sementeryo.
Ang iba ay nakasulat ang mga mahahabang tula sa buong lapida. Kahit ang simpleng pagdedesisyon ng paglalagay sa lapida ay hindi madali. Kung gustong padaliin ang task ng mga maiiwang mahal sa buhay ay puwede nang pag-isipan ang sariling epitaph.
Hindi masamang maaaring pag-isipan ang mga nakakatawang kataga na nakaukit sa sariling lapida na mag-iiwan na final impression sa maiiwang mula sa mga mahal sa buhay.