^

Para Malibang

Zombie Family (242)

Gilda Olividado - Pang-masa

Ang bilis ng takbo ng dalawang teenagers. Sa lugar kung saan nanggaling ang “masarap” na amoy.

“Palayo na ang amoy! Parang lumalakad!”

‘Lumalayo! Baka hindi natin abutan!”

“Bilisan pa natin!”

Pero biglang duma­ting ang mga body parts, marami. At naharangan sila.

“Alis kayo! Aliiiis!”

“Bakit ba bigla kayong dumating? Umalis sabi kayooo!”

Pero lalo pang dumami ang mga body parts, may paparating pa.

Natigilan ang dalawang teenagers.

“Parang may alam sila!”

“At hinaharangan tayo! May alam nga sila! Hindi ito coincidence!”

Pinilit ng dalawang teenagers na lumusot. Pero imposible. Dahil siksikan ang mga body parts, hindi nila malusutan.

Frustrated ang dalawang teen­agers. Napagod na lamang sila hindi pa rin sila makalabas sa sirkulo ng mga nagsisiksikang body parts.

“Umalis kayooo! May pagkain kaming pupuntahan! Makakaalis na ‘yon!”

Pero parang walang narinig ang mga body parts.

Naging violent na ang dalawa. Pinagsusuntok, pinagsisipa ang mga body parts.

Pero parang walang epekto ‘yon.

Hindi naman nasasaktan ang mga ito.

Hindi pa rin tumitinag.

KAUSAP naman ni Herman ang mga body parts kahit hindi nagsasalita ang mga ito.

“So nakita ninyo ang isang lalaki at papunta dito? Kailangan di sila malapitan ng mga anak ko. Delikado ang taong ito sa mga anak ko. At delikado rin ang mga anak ko dahil magiging masama uli sila!”

“Dalhin ninyo ako sa kanya! Nasaan na ba siya ngayon?”

Nagpatiuna ang mga body parts, sumunod si  Herman.

Kinakabahan siya. Bakit may nakarating na tao sa isla? Anong klaseng tao ang kayang tumawid sa binabanta­yang bahagi ng dagat ng navy ship na patawid sa isla?

At ano ang kailangan ng taong ito sa islang kinatatakutan ng lahat?

At higit sa lahat ay ang tanong … sino siya?

ITUTULOY

TEENAGERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with