‘Di matahimik na kaluluwa itinuro ang sariling killer!
February 21, 1977 nang masunog ang isang apartment sa Chicago, U.S.A.
Ayon sa report, sa Room No. 15B daw nag-umpisa ang sunog. Ito ay nakapangalan sa Pinay na si Teresita Basa.
Laking gulat ng mga bumbero nang matagpuan ang bangkay nito na hubo’t hubad at natatabunan ng mattress ng kama.
Ang mga imbestigador na nagpunta sa nasunog na apartment ay may suspetsang ito ay kaso raw ng rape at murder.
Bukod sa nakita nilang notes na kung saan nakasulat ang mga salitang “Get tickets for A.S.”, wala na silang nakitang iba pang clue na maaaring makapagturo sa gumawa nito. Kailangan nilang alamin kung sino si A.S.
Si Detective Joe Stachula ang may hawak ng kaso ni Basa, at ayon dito, tubong Dumaguete City daw ito at nag-migrate sa U.S. matapos maka-graduate. Nagtrabaho si Basa sa isang ospital sa Chicago bilang respiratory therapist.
Inabot ng buwan bago makakuha ng lead si Stachula, hanggang sa may tumawag sa kanya at sinabing kausapin diumano si Dr. Jose Chua.
Ayon kay Chua, isa ring Pinoy, madalas daw sapian ni Basa ang kanyang asawa na si Remy. Kakilala raw sila ni Basa. Sinasabi raw nito na ang pumatay sa kanya ay isang lalaking nagngangalang Allan Showery.
Ninakawan daw siya nito ng mga alahas at ibinigay sa girlfriend pagkatapos siyang patayin.
Agad nilang hinanap si Showery at nahuli. Umamin naman ito sa krimeng ginawa.
Simula noon, hindi na raw nanggulo si Basa sa mag-asawang Dr. Jose Chua at Remy.
- Latest