Mababawasan ba ang Early Pregnancy kung paghiwalayin ang mga babae at lalaki sa klase?

“Tingin ko hindi. Nasa pagpapalaki ‘yan ng mga magulang saka sa paggabay ng mga teacher sa eskwelahan. Bakit naman noon, magkasama na sa classroom ang mga lalaki at babae pero kokonti ang kaso ng early pregnancies.” - Erwin, Manila

“Para sa akin po it has nothing to do with co-ed. Sa observations ko lang nangyayari yang mga ganyan dahil na rin sa family problems. Kaya mas maganda kung sisimulan natin sa ating taha­nan ang paggabay sating mga anak.” - Yonti, Cavite

“Why not? Hindi na kasi halos mapigilan yan. Gra­duate po ako sa all boys school hanggang High School. Maayos naman po. At alam ko ganun din sa all girls school. Maiiwasan yung attraction sa mga bata.” - Lenard, Pasay

“Sa tingin ko hindi po iyon ang solusyon. Mas mababawasan ang mga ganyang kaso kung magkakaroon ng sex education. Oras na para maging open-minded ang mga guro at magulang tungkol dito.” - Eton, Cavite 

“Opinyon ko lang, sana magkaroon ng mandatory seminars ang mga magulang tungkol dito nang mapahalagaan nila ang kanilang mga anak. Kumbaga para maging bukas din sila sa idea na puwede itong mangyari sa kanilang mga anak. Prevention, kumbaga.” - Mart, Antipolo

Show comments