“Hindi! Ginawa na yan dati. Pero hindi naging maganda ang resulta dahil hindi marunong makitungo ang student sa lalaki o babae!” - Sammi, Bulacan
“Tama paghiwalayin na lang ang klase para makapokos sila sa pag-aaral. Para mabawasan ang maagang pagbubuntis na wala sa oras.” - Lhen, Zambales
“Naku, kahit paghiwalayin ang mga students, ganun pa rin. Gagawa pa rin sila ng paraan para magkita. Nasa loob ng bahay muna dapat maituro na unahin ang pag-aaral kaysa makipagnobyo.” - Sonia, Cubao
“’Di ba ganun ang ginawa ng mga exclusive schools ng mga madre dati. Puro babae lang ang tinatanggap. Pero iniba kaya nag-mix uli ang mga boys at girls. Kahit naman paghiwalayin sila, nasa guidance pa rin yan ng magulang.” - Aileen, Manila
“Ang sex naman ay hindi lang ang actual na ginagawa sa kama. Kundi kung paano makiharap sa opposite sex. Turuan na lang ang mga students na i-priority ang kanilang pag-aaral kaysa makipagrelasyon. - Cecile, Tondo
“Huwag na paghiwalayin. Mas magiging curios pa yan na wala sila nakakahalobilong boys o girls.” - Neng, Malabon
“Dapat magulang muna ang magturo sa anak na pahalagahan ang sa sarili at pag-aaral.” – Calli, Caloocan