Isa ang salaan sa mga gamit sa kusina na talaga namang napakalaki ng natutulong sa mga kusinero.
Pero mas maganda kung may maliit kayong salaan (wire strainer) na malapit sa stove para sakaling kailangan n’yong magpiga ng lemon o kalamansi ay madali itong maaabot at diretso na sa inyong niluluto. Pero bukod sa pagsala ng citrus fruits, may isa pang magic ang maliit na salaan. Maganda rin itong gamitin kung pagpo-poach ng itlog. Ang poached eggs ay masarap sa tinapay at salads.
Sa tulong ng maliit na salaan maaaring matanggal ang sobrang egg whites sa itlog para makagawa ng mas pinong poached eggs.
Maaari rin itong direktang ilublob sa kumukulong tubig sa pagluluto ng poached eggs. Burp!
Para sa mga katanungan at suhestiyon tungkol sa pagkain at pagluluto, maaaring mag-email sa burpnikoko@gmail.com.