^

Para Malibang

Para sa mga nagbabalak mabuntis

MAINGAT KA BA!? - Miss ‘S’ - Pang-masa

Hindi lang basta simpleng pakikipagtalik ang dahilan kung paano magkakaroon ng binabalak na baby. Mayroon ding ibang factor na dapat bigyan ng konsi­derasyon upang tuluyan matupad ang inyong plano na magka-baby na. Kung gusto nang magka-baby, narito ang mga bagay na dapat gawin para maging successful sa inyong binabalak, ayon sa webmd.com.

Tigilan ang paninigarilyo - Hindi na kailangan pang ipaliwanag ito. Alam naman nating lahat na walang mabuting dulot sa kalusugan ang paninigaril­yo.  Kung ikaw ay naninigarilyo, itigil mo na ito kahit walang balak magbuntis. Kasi nga masama sa kalusugan ang paninigarilyo. At kung balak magbuntis, tigilan na ang paninigarilyo dahil, its dangerous for your health. Nakalagay pa nga sa mga pakete ng sigarilyo ‘di ba.

Para mas maliwanagan pa tayong lahat kung gaano ito kasama sa kalusugan:

*Ang 10-sigarilyo sa isang araw ay nagpapababa ng tyansang magbuntis.

*Ang paninigarilyo ay nagdudulot ng pagbabago sa fallopian tubes at cervix na magiging dahilan para malaglag ang bata o makunan.

*Puwede rin itong maging sanhi para mabuntis sa labas ng matres na tinatawag na ectopic (or tubal) pregnancy kaya ‘di puwedeng mabuo ang baby.

*Maaaring masira ang ovaries kaya kaunti ang mabubuong eggs at kung kaunti ang egg, kaunti rin ang tsansang mabuntis.

*Nagpapababa rin ng sperm count ang paninigarilyo para sa mga laki at bumabagal din ang paglangoy ng mga sperm.

*Kung hirap magbuntis at umaasa sa invitro fertilization (IVF) mahihirapan kung naninigarilyo.  

At kung ikaw ay buntis na, ang paninigarilyo ay makakaapekto sa reproductive organs ng ipinagbubuntis kaya malamang magkaproblema rin itong magkaanak.

BUNTIS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with