^

Para Malibang

Egg Hill Church sa Pennsylvania?!

MRYOSO - Pang-masa

Sa kabila ng ganda ng simbahang Egg Hill church sa Pennsylvania, nagtatago sa likuran ng mga dingding nito ang karimarimarim na nakaraan.

Ayon sa kuwento, taong 1800’s nang patayin ng pastor ng nasabing simbahan ang mga kasamahan. Idinamay na rin nito pati ang mga taong nagsisimba.

Madalas daw na may naririnig sa loob nito na mga hagulgol at sigawan. Hinala ng iba, ito raw ang mga kaluluwang pinatay ng pari. Agad naman itong kinontra ng chairman ng kanilang bayan na si Dick Decker. Gawa-gawa lang daw ito ng mga taong malalawak ang imahinasyon dahil wala raw itong katotohanan.

Paboritong puntahan daw ng mga ghost at history hunter ang Egg Hill dahil daw sa tahimik nitong lugar. Ina-assume nila na dahil tahimik ay marami sila ritong makikitang multo. Hindi natapos ang paggawa sa simbahan, natengga lang ito, dahilan kaya nagmukhang haunted.

“During my 70-plus years, I have always considered the Egg Hill Church and its location as a very peaceful place that exemplifies the strong Christian values held by our forefathers when the area was first developed. 

“It exists little changed, except for the weathering and natural deterioration, from the time when it provided a center for community worship and fellowship in days when the pace was slower. Especially during early fall, when leaves are changing color, the church in its surroundings — with grave stones adjacent and the dirt road leading to the site — provides a solitude difficult to find in our busy society today,” paliwanag ni Decker.

Hindi na ginagamit ang Egg Hill church simu­la pa noong 1927, pero tumatanggap pa rin sila ng taunang homecoming service. Dati raw ay ikinukulong ang mga nahuhuling pumapasok dito nang walang paalam.

Para raw sa mga turista, maaari pa rin silang bumisita kahit anong oras basta’t huwag lang papasukin.

EGG HILL CHURCH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with