Wala nga bang Krisis sa transportasyon ng mga Commuters?

“Hindi ako magaling sa economic, pero para sa akin totoong may transportation crisis ang Pilipinas. Lahat naman nakikita ‘yun. Kawawa lalo na yung mga empleyado na pumapasok araw-araw sa trabaho, sila ang pinaka-apektado, ganun din ang mga simpleng mamamayan na nagko-commute.”- Jed, Antipolo

“Sa tingin ko wala. Kasi noon pa namang traffic na. Bata pa lang ako, dahilan na ng mga taong late sa kanilang school o trabaho ang traffic kaya sa tingin ko dapat lang na tayo ang mag-adjust sa traffic. Mas agahan natin ang alis at pag-uwi o kaya naman ay ‘wag na tayong makisabay sa rush hours nang ‘di tayo maipit sa mga kalsada.” - Lander, Zamboanga

“Oo naman. Saan ka naman nakakita, tatlo o minsan nga apat na oras pa ang biyahe. Lalo na kapag dadaan ka ng EDSA, kawawa ang mga commuter na siyempre eh walang magawa kung hindi magreklamo o mag-rant sa social media. Siyempre, ‘di ba naman, lahat tayo maaasar. Parang naging probinsya ang biyahe mula Maynila.” - Jeric, Quezon City

“Hindi naman. Kapag sinabi mo kasing crisis, ibig sabihin, a time of intense difficulty, trouble, or danger. Challenging times lang maituturing ang traffic, pero hindi naman krisis. Magkaibang bagay yun at sana ‘wag malito ang publiko. Dapat alam nila ‘yun, obligasyon nila na makialam sa bayan tama naman, pero dapat gumawa rin sila ng research.” - Jayson, Cavite

“I know all major cities/capital in every country has problems with traffic due to increasing population and volume of vehicles on the road... Hindi naman matatawag na krisis po yan. Sana malinawan ang lahat. Hehehe.”  - Chad, Pampanga

Show comments