Wala nga bang Krisis sa transportasyon ng mga commuters?
“Pangarap kong makita ang bayan ni Juan na magkaroon ng maayos na transportasyon. Sana matupad ang mga pangako ng Duterte administration na gaganda ang sistema ng mga commuters.” - Tess, Manila
“Wala nga ba? Pasakayin dapat ang mga gov’t official na yan mula mrt, lrt, bus, at jeep nang maranasan nila na mahirap mag-commute. Palibhasa sila kahit ma-traffic naka-aircon pa. Samantalang ang mga tao nikikipagsiksikan at balyahan makasakay lang.” - Mika, Pasay
“Kahit naman agahan mo pa ang alis ang daming pasaway na driver na walang disiplina.” - Juana, Cubao
“Bakit hindi pahirapan sumakay, ayaw ibigay ang prangkisa. Ang haba tuloy ng pila ng mga pasahero. Yung mga willing magba-yad at sumunod sa legal na proseso ay ayaw pagbigyan. – Mess, Caloocan
“So sa lagay ng 2 o 3 oras na traffic plus siksikan, balyahan na pahirapan ang sakay ay hindi pa ito krisis ha? Dapat damihan na ang ng mga State University sa mga probinsya na kumpleto na ang kurso nang hindi na lumuluwas ang mga estudyante sa Manila.” – Mabel, Laguna
- Latest