Kung gusto nang magka-baby, narito ang mga bagay na dapat gawin para maging successful sa inyong binabalak, ayon sa webmd.com.
TIGILAN NA ANG PAG-INOM NG ALAK
Kung gusto mong mabuntis o sumagi pa lang sa isip mo na magbuntis, makabubuting tigil- tigilan na ang pag- inom inom.
Madalas pa naman na hindi planado ang pagbubuntis.
Kaya yung iba, nakikipag- inuman pa, yun pala buntis na.
Kung anu ano pa ang ginagawang di dapat ginagawa ng taong buntis na hindi alam na nagdadalang-baby na pala.
Dapat mong malaman na kung anu ang kinakain at iniinom mo, yun din ang kinakain at iniinom ng baby sa sinapupunan mo.
Ang iniinom mong alcohol ay maaaring may epekto sa pagdedevelop ng utak at nervous system ng baby.
Malaki ang epekto ng alcohol sa baby lalo na sa mga unang linggo ng pagbubuntis.
Kung nasa fertility treatment, bumababa rin ang tsansang makabuo sa pag-inom ng alak.
Sa mga lalaki, ang pag-iinom ay nakakababa ng sex hormone testosterone at nagiging sanhi ng erectile dysfunction.