Ate Gagawing Katulong ni Nanay Para sa Anak sa Iba

Dear Vanezza,

Iniwan kami ni nanay kay lola at nag-asawa ng iba. Si tatay ay mayroon na ring kasama. Ngayon ay bumabalik si nanay sa bahay na gusto akong kunin. Pero ayaw akong ibigay ni lola dahil gagawin lang daw akong katulong ng nanay ko. Na-miss ko si nanay, pero puwedeng tama si lola dahil may anak na ito sa iba. Ano ba ang gagawin ko? – Josie

Dear Josie,

Tanungin si nanay kung ano ang motibo niya. Kung totoo ngang gagawin ka lang katulong para mag-alaga ng anak niya sa iba, may choice kang tumanggi. Sa halip na magpakatulong sa iyong nanay ay tuunan na lamang ang iyong sarili buhay o pag-aaral. Puwede namang dumalo na lamang si nanay kung talagang gusto ka niyang makapiling o makita.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments