Iba ang pakiramdam kung bad trip ang paggising na napaaway agad sa mahal sa buhay o nahihirapang mag-commute papunta sa trabaho o school na hindi ma-enjoy. Mahirap na kailangan pa ng plaster para mapilitan na ngumiti kahit ngiting aso.
Pero sa simpleng desisyon na ngumiti ay automatic na malaking pagbabago ang puwedeng mangyari internal o external man.
Sa psychological na pananaw, ang taong ngumingit ay nagmumukhang mapagkakatiwalaan kumpara sa mga nakasimangot o neutral lang ang expression. Sa research, ang attrasyon ng level ng mga model ay nakikita sa intense ng kanilang pagngiti. Obvious sa kanilang aura kung sila ay mapapagkatiwalaan. Ang mga model na mas malaki ang smile ay mas trustworthy kung pagmasdan.