Money Habits ng mga Anak

Kapag hindi tinuruan ang anak kung paano i-manage ang pera, balang araw ay ganito rin ang kanilang magi­ging lifestyle o habit sa buhay.

Habang bata o teenager pa ay kailangang mag-set na ng magandang halimbawa sa mga anak. Importante na isali ang mga anak na pag-usapan ang budget ng pamilya. Lalo na ang paghahanda para sa kanilang tuition fees sa college.

Simulan sa paggamit ng clear jar na mas maganda kung nakikita o visual sa paningin ng anak na unti-unting naiipon ang kanilang pera. Kapag gumamit ng clear jar ay mas excited ang anak dahil alam nilang hindi nababawasan ang kanilang pera, bagkus ay lumalago pa.

Ang money habits ay nahuhubog kahit sa edad na 7 years old. Ang mga maliliit na mata ng mga anak ay nakatingin kina nanay at tatay. Napapansin ng mga anak kung paano pinag-aawayan ng mag-asawa ang patungkol sa pera. Mahalagang mag-set ng magandang halimbawa sa mga anak upang susundan din nila ang mabuting yapak ng kanilang magulang.

Show comments