10 Pagkaing Hindi Puwedeng Ilagay sa Refrigerator
May pagkain na mas madaling masira kapag inilalagay sa refrigerator.
Hindi lahat ay aware na ang prutas ay mas madaling mahinog at ang gulay naman ay mabilis din mabulok sa loob ng refrigerator. Alamin ang mga pagkain na hindi dapat makita sa ref:
Melon – Tulad ng watermelon at honeydew, mas mainam kung ilalagay ang prutas na ito sa room temperature. Mas nagiging intact kasi ang antioxidants nito kapag inilagay ito sa labas ng ref.
Honey – Maaaring mag-crystallize ang honey at mas masarap itong kainin dahil sa gooey texture nito kapag sa labas lang ito ng ref inilagay.
Saging– Nabubulabog ang proseso ng pagkahinog ng saging. Napapabilis din ang pagkabulok nito.
Sweet Potatoes – Kapag na-expose sa malamig na temperature ang kamote ay nagsisimula nang lumambot na naapektuhan ang flavor, texture, at pagtaas ng sugar content nito. Kung gusto ng walang lasang kamote na nagpapataba pa ay ilagay ito sa ref.
Tomatoes – Nawawala ang lasa ng kamatis na mabilis magtubig kapag nasa loob ng fridge.
Apple – Puwede ilagay ang mansanas sa loob ng ref ng 30 minutes bago kainin. Para malamig at malutong kainin. Pero nawawala ang flavor at pumapangit ang texture nito kapag mas matagal itong nasa loob ng ref.
Onion- Maglalasa at mangangamoy sibuyas ang lahat ng pagkain. Advisable na ilagay ito sa supot sa madilim na cabinet para sa maximum shelf-life ng sibuyas.
Avocado - Gaya ng saging, nabubulabog din ang enzymes sa pagkahinog ng abokado.
Coffee – Best na nakatago ang kape sa room temperature para lumabas ang natural oils ng aromatic scent ng kape. Ang kape ay nagsisipsip ng amoy ng ref, pero naglalasang kape rin ang kasama nitong pagkain sa loob ng fridge.
Hot sauce – Sangkaterba na ang suka sa hotsauce kaya hindi ito mapapanis kung hindi ito ilalagay sa ref.
Mas potent din ang anghang nito kung ilalagay lamang ito sa room temperature.
- Latest