May ilang pag-aaral na ang cell phone ay puwedeng magdulot ng kanser. Bagama’t walang malinaw na ebidensya nang mataas na panganib sa kanser ang paggamit ng CP. Habang ang bahagyang pagtaas ng uri ng brain tumor ay tinatawag na glioma.
Sa pag-aaral ng grupong nagsaliksik sa pag-expose ng mga daga sa radio frequency – nakita ang potential na koneksyon sa radiation at risk ng kanser.
Puwedeng hindi mag-panic ang mga magulang, pero maaaring paalahanan na limitahan ang mga anak sa paggamit ng screen time at pag-expose mula sa cell phone at ibang devices na mayroong radiation mula sa electromagnetic fields. Sa research ng American Academy of Pediatrics (AAP) ay sinusuportahan kung paano ang exposure ng cell phone ay nakakaapekto sa mga kalusugan ng bata at teenagers.