Ang pagbibigay ng magandang foundation at pagtuturo sa anak tungkol sa pera ay mahalaga sa kanilang personal development.
Ang pagpapakita ng basic kung paano mag-budget, gumastos, at mag-ipon ay nagpapatatag ng good money habits sa kanilang buhay.
Importante na isali ang anak sa kung paano tumatakbo ang budget ng pamilya. Magbigay ng positibong mensahe patungkol sa pagbabayad ng bills on time.
Ipaliwanag ang dahilan kung bakit nagtatrabaho na ang isang dahilan ay upang makabayad sa mga bills.
Tulungan ang anak na maintindihan na ang paggastos ay dapat nasa limit lamang ng budget.
Kausapin ang anak tungkol sa utang at impact nito sa kanilang quality ng buhay sa hinaharap.