Ang demand sa ‘commute challenge’ ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na gawin niya ito ng isang linggo. Habang regular na pumapasok sa kanyang work na may call time na 8 a.m. at 5 p.m. Para maranasan nito ang makipagsiksikan ng rush time sa MRT o LRT, at pipila sa paghihintay sa pagsakay sa jeep o bus.
Kumpara sa halos buong buhay ng karamihang Pinoy na sumasakay sa public transport na madaling araw umaalis sa bahay para lang hindi ma-late sa klase at trabaho. Pero kapag minalas ay inaabot ng dalawa o tatlong oras papunta at pauwi sa bahay o opisina na umaasang magbabago ang sistemang transportasyon sa bayan ni Juan.