Ampon na tsinitsismis sa amiga

Dear Vanezza,

Inampon ako ng tita kong masungit dahil ulila na ako sa magulang. Naiinis ako sa pamilya niya dahil ginagawa nila akong katulong. Ang nakakainis pa ay pinagtsitsismisan ako sa mga amiga at kapitbahay niya. Gusto ko nang lumayas kung may mapupuntahan lang. Kaya gusto ko laging may pasok sa school para makatakas sa bahay nila. Ano po ang gagawin ko?

Mabel

Dear Mabel,

Puwedeng kalmadong kausapin ang tita mo na ikaw ay nasasaktan kapag pinag-uusap ng ibang tao. Tiyak ay maiintindihan ka niya upang matigil na ang mali niyang ginagawa. Ibaling ang iyong atensyon sa pag-aaral upang balang araw kapag handa ka na ay puwede ka nang mamuhay mag-isa.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments