Ang laki nang pagkakaiba ng mga bata noon at ngayon sa buong mundo.
Dati ay bantay sarado ang proteksyon na ibinibigay sa mga bata mula sa pinapanood sa telebisyon, hindi dinadala ang anak sa sinehan, kinikilala ang mga kaibigan mula sa masasamang company, at pati ang mga girlie magazine ay maingat na inilalayo sa mga dalagang anak.
Ang mga batang lumaki mula 1977 hanggang 2000 ay pareho lang ang sitwasyon, maliban mayroon silang video player at cassette players.
Ngayon, ang Internet at smartphone ay mabilis nang nagbago. Hindi na kailangang sumubok ng mga girlie magazine ang mga teenager, kundi talamak na maya’t maya ay mayroon nang nabu-view sa social media.
Pero ang magulang ay may responsibilidad bilang in charge kung paano gagamitin ng mga teens ang telepono.
Kailangang tandaan ng mga magulang na likas na pilyo ang puso ng mga bata.
Ang mga bata ay walang natural na wisdom, kundi nahuhubog habang lumalaki at natututo sa kanyang karanasan.
Ang teenager ay hindi pa mature para bigyan ng sariling cell phone. Ang mga bata o kabataan ay dapat hindi pa binibigyan ng CP. Pero puwedeng payagan na gumamit ng CP na may control ang mga parents.
Kailangang magkaroon ng rules sa paggamit ng CP ang mga teenagers o bata or else ay magiging talunan na agad sa umpisa pa lamang kaya dapat ay maging responsable ang parents na alamin kung sino ang kanilang kausap.
Ang cell phone ay hindi dapat gawing private diary o ibigay bilang treat sa mga anak. Kailangan maisip ng mga magulang na walang minor na anak na maimpluwensyahan ng mundo o paligid kung hindi pa ito handa.