Dear Vanezza,
Naririndi na ako sa kuwento ng nanay ko tungkol sa kapintasan ng tatay ko ngayong hiwalay na sila. Naiintindihan kong malungkot si nanay sa kanyang pag-iisa, pero at the same time ay naiinis sa naging buhay nila ni tatay. Ang malas ko, tuwing nagkakamali ako ay ikinukumpara ako sa mga kapalpakan ng tatay ko. Paano ba mawawala ang bitterness ng nanay ko tungkol sa tatay ko, pati ako ay nadadamay. Ano ba ang gagawin ko? – Khea
Dear Khea,
Unawain si nanay sa kanyang pinagdadaanan. Pero kausapin si nanay kapag siya ay kalmado na. Sabihin sa kanya na ikaw ay nasasaktan kapag ikinukumpara sa iyong tatay. Dahil magkaiba naman kayo kahit pa nagkakamali ka, pero hindi ibig sabihin ay pareho na kayo ng kapalpakan sa buhay.
Sumasainyo,
Vanezza