Benepisyo ng breastfeeding kay nanay
Ang breastfeeding ay hindi lamang mainam para sa magandang kalusugan ng mga sanggol. Bagkus ay maraming benepisyo rin kay nanay ang pagpapadede sa kanyang sanggol. Alamin ang mga benepisyo ng breastfeeding sa mga momshies.
1. Sa pagpapadede ay bumababa ang panganib ng depression sa mga nanay.
2. Sa breastfeed ay konti ang nade-develop ng postpartum depression kumpara sa mga hindi nagpapadede.
3. Pinapatibay ang bonding ng nanay at anak na sumususo sa kanya.
4. Tumataas ang amount ng oxytocin na napo-produce sa panganganak at pagpapadede. Ang oxytocin ay mayroong long-term na anti-anxiety na epekto sa nanay at sanggol.
5. Ang mga nanay na nagpapasuso ay may long-term na proteksyon na panlaban sa kanser o ibang sakit.
6. Sa breastfeeding ay malayong magkaroon ng breast cancer o ovarian cancer.
7. Malayo ang panganib na magkaroon ng sakit sa puso at ibang health problems.
- Latest