Maraming dahilan kung bakit tayo kumakain. Kadalasan ay para magkaroon nang sapat na energy na nagiging taba para ma-fuel ang metabolism at ma-extend ang period na kailangan sa maghapon.
Minsan higit pa sa metabolic na kailangan, ang pagkain ay nagiging coping mechanism para sa mga tao. Kung gustong mabago ang eating habits ay gawin ang ilang healthier tips na paraan. Sa halip na gawing stress eating gaya ng paghahanap ng comfort food kapag nai-stress ibaling sa ibang atensyon kaysa sa pagkain.
Gaya ng meditation, yoga, maglakad, breathing exercise, at iba pa. Kung mayroong emotional eating kapag nalulungkot o depress ang tendency ay lumantak ng makakain. Bakit hindi subukan ang mag-call a friend, makipagkuwentuhan, magsulat ng ilang journal, o kausapin ang iyong therapist.
Huwag din gawing reward ang pagkain pagkatapos ng mahirap o stressful na task. Ang mga social gathering o reunion ay nauuwi rin sa kainan. Subukan naman ang ibang activities na hindi kailangan mapakain ang mga magkakaibigan o barkada. Kapag galit o nabo-bored ay pagkain din ang pinagdidiskitahan. Lalo na habang nanonood ng TV.
Hindi namamalayan ay marami na ang naisubo. Masarap naman talagang kumain, pero isipin na kung kakain ay maghanap ng mga healthy na food.