Bride na dinuduraan
Karaniwang nakikita na hinahalikan ang bride sa aktuwal na kasalan ng dalawang couple. Pero kakaiba ang practice na ginagawa ng Greek culture, imbes na halikan ay dinuduraan ang bride na bahagi ng kanilang tradisyon.
Sa kanilang paniwala, ang pagdudura sa kanilang magiging misis na dumadaan sa ganitong gesture ay simbolo para magkaroon suwerte ang mag-asawa at maiwasan ang malas o malayo sa masamang kapalaran.
Sa kasalukuyan, ang custom ay hindi na masyadong ginagawa sa halip ang mga guests sa kasalan ay nagsasabi ng “ftou ftou ftou” bilang simbolo ng kanilang lumang tradisyon na pantaboy ng malas.
Sa ibang special na okasyon ay ginagawa o sinasambit din ito ng mga Greek, kahit sa baptism upang maging malusog ang baby. Samantalang ang pagdudura ay ginagawa ng mga Grego bilang parte ng kanilang pamahiin upang mataboy ang kasamaan kahit sa regular lamang nilang kuwentuhan.
- Latest