Sino’ng taya sa pagbabayad pagdating sa Date?

“Naniniwala ako na kami pa ring mga lalaki. Siyempre naman unang date, kailangang magpa-impress. Saka way ko na rin yun nagpapasalamat dahil pumayag siyang makipag-date sa akin.” - Asher, Bataan

“Para sakin dapat 50/50. Wala namang masama dun. Saka modern na ngayon. Minsan mga babae pa mismo ang nag-o-offer. Saka para maramdaman din nila yung responsibility na madalas kami lang mga lalaki ang gumagawa.” - Lloyd, Bulacan

“It depends kung sino nag-aya. Kapag lalaki ang nag-aya mas okay sana kung sasagutin niya lahat. Kapag ang girl naman ang nag-aya, pwede kayong maghati.” - Mo, QC

“Lalaki pa rin talaga. Dagdag pogi points yun syempre saka nakakahiya naman kung pagbabayarin mo yung crush mo sa first date ninyo. Baka hindi na masundan yun if ever. Hahaha.” - Dandan, Davao 

“Okay din kung KKB (kanya-kanyang bayad). Lumaki po ako sa Germany at yun ang isa kong naobser­bahan sa kanila. Never nagpapalibre ang mga babae sa mga lalaki. Sana ma-practice rin yun dito. Kasi ang mga babae sa Germany nahihiyang magpalibre at masyadong independent. Opinyon lang po.” - Lemuel, Makati

Show comments