Ang bobcats ang pinaka-common na wildcat sa North Amerika.
Kilala sila dahil sa kakaibang ‘orasyon’ nila sa pagkain. Hindi nila ipinakikita sa iba na sila ay may kinakain at sa halip, unti-unti nila itong inuubos. Gumagamit sila ng snow, buhangin, at mga dahon para ibaon ang kanilang pagkain (na madalas ay hayop) at saka nila babalikan. Ganitong klase ng kanilang pag-iimbak.
Ipinangalan ito sa buntot nitong maliit at bilugan. Medium-sized ang pusang ito na mas maliit sa pinsan nitong lynx.
Sa unang tingin ay aakalain mong simpleng pusa sa lansangan na pwedeng alagaan ang bobcats, pero mas malaki ito sa pangkaraniwang pusa na ginagawang pet.
Rabit ang paboritong kainin ng mga bobcat. Kilala rin sila sa pagkain ng mga daga, ibon, paniki, at pati na ng mga usa, baboy, at kambing na higit na mas malaki sa kanila.
Nakatira ang mga ito sa gubat, kabundukan, at pwede rin naman sa medyo disyertong lugar. Magaling sumipat ang mga pusang ito na matiyagang naghihintay ng tamang timing para atakihin ang kanilang mga ‘pagkain’.