Ang breast milk ay best na ipadede sa mga babies dahil sa maraming nutrisyon na dulot ng gatas ng ina.
Alamin ang benepisyo ng breast feeding:
1. Ang gatas ng ina ay loaded ng antibodies na nakatutulong kay baby na labanan ang viruses at bacteria.
2. Ang unang gatas ni baby mula sa dede ni nanay ay mataas ang immunoglobin A na nagsisilbing antibodies ng anak.
3. Ang nutrisyon ng gatas ng ina ay nagtatagal hindi lang sa childhood, kundi maging sa adulthood ng anak.
4. Maiiwasan na magkasakit si baby mula sa ear infection kapag sumuso ito ng tatlong buwan kay nanay.
5. Kapag napadede nang higit sa apat na buwan ay malayong magkasakit ang sanggol sa respiratory tract infection.
6. Nagpo-promote ng healthy na bigat ni baby na natutulungan na maiwasan sa obesity ang anak.
7. Ang mga breast feed na anak ay sapat na nabubusog.
Kung kaya dede lamang kung nagugutom. Natuturuan ang anak ng healthy pattern sa pagkain.