Ang endometriosis ay ang abnormal na linya sa uterus na tumutubo sa pelvic organ gaya ng ovaries o fallopian tubes. Nakikita rin sa labas ng endometrial tissue na kumakapal o nagdurugo.
Ang endometriosis ay karaniwan sa mga babaeng infertile o mga baog na babae kumpara sa mga nagkaanak na.
Gayunpaman, maraming mga babae na may endometriosis ang nagkaanak ng walang kahirap-hirap lalo na kung hindi naman ito malala.
Sinasabing may tsansang magkaanak ang mga babaeng 70% babae na may mild endometriosis sa loob ng tatlong taon kahit walang treatment.
Ang dahilan kung bakit bumababa ang fertility kapag may endometriosis ay hindi pa lubos na naiintindihan.
Posibleng anatomical and hormonal factors ang dahilan nito.
Maaaring ang pagkakaroon ng endometriosis ang nagigiong sanhi ng scar (adhesion) formation sa pelvis, na nakakaapekto sa normal anatomical structures.
Maraming treatment options ng infertility sanhi ng endometriosis ngunit maraming doctor ang naniniwala na ang operasyon ang mas epektibo kaysa sa medical treatment para sa endometriosis. (SOURCE: www.medicinenet.com)