Pag-ako ng responsibilidad

Sa maraming pag-aaral ang pagkakaroon ng positibong pag-iisip ay natutulungan na ma-manage ang maraming sakit at napapagaan ang depression kahit pa natural na optimistic o nega ang isang tao.
Makatutulong sa positive attitude na akuin ang responsi­bilidad at iwasan na ibaling ang sisi sa ibang tao o sitwasyon.
Kapag nakakasanayan na sisihin ang isang bagay sa nangyaring mali o nadismaya sa kapalpakan ay nagiging negatibo lamang resulta.

Halimbawa na kung hindi ka kabilang sa naimbitahan, inaakala agad na ayaw kang kasama ng ibang tao. Hindi ba puwedeng nakalimutan lang, o kung hindi talaga ay hindi naman kailangan masira ang iyong araw o mood. 
Marami pang dapat na pagkaabalahan kaysa pagdiskitahan ang sitwasyon. Sa halip ay gawing challenge ang mga hindi magandang pangyayari  kaysa sisihin pa ang ibang tao. Bagkus ay pasanin ang sariling responsibilidad na akuin kung talagang ikaw ang may sala.

 

 

Show comments