Babae addict sa lip filler, 15 nagpakapal ng labi!
Ang 22-year-old na si Andrea Emilova Ivanova mula Sofia, Bulgaria ay nakakagastos na diumano ng libu-libo dahil sa mga lip filler para diumano sa pagpapakapal ng kanyang labi. Balak pa nga raw nitong i-enhance ang pagkaka-pout ng kanyang nguso.
Matagal na kasi talagang gusto ni Ivanova ng malaking labi. Ang paglalagay ng lip fillers ang nagpapasaya sa kanya.
“I like my lips now, more than before and I feel very happy with them, because I look prettier with bigger lips, and in Bulgaria this is fashion now.
I have visited almost all clinics for aesthetic procedures in Sofia and I put in my lips almost all kinds of lips fillers: Princess Volume, Princess Filler, Hyaluronica Vital Esthetique, Apriline Forte, Revolax Deep and Teosyal,” pagkikuwento niya.
Samantala, marami siyang natatanggap na magagandang papuri mula sa kanyang followers, pero ang iba ay hindi ito gusto. Ganunpaman, wala siyang pakialam sa mga ito,
“There are people who like me with bigger lips and there are people who like me with smaller lips but it doesn’t matter to me, because it’s important for me, how I like it. Other people’s opinion is irrelevant.”
Hindi rin isinasara ni Ivanova ang oportunidad na maaari niyang makuha ang title na ‘biggest lips in the world’.
- Latest