Hanggang kailan ba dapat nakikipisan sa biyenan?
“Puwede siguro kung biglaan na nagpakasal. Habang nagsisimula pa lamang ang pagsasama ng mag-asawa. Pero kapag nakaipon na aba, dapat humiwalay na ng tirahan kahit apartment lang.” - Jackie, Makati
“Bakit kasi nakikitira sa biyenan? Paano ka matututo sa buhay? Anong value rin ang itinuturo mo sa mga anak mo na umasa na lang sa mga biyenan!” - Maribell, Sampaloc
“Rule sa Bible, kapag nagpakasal ay kailangang humiwalay na sa magulang. Para magbuo ng bagong pamilya. Ang mister ang authority. Or else ay under pa rin ang mag-asawa sa authority ng magulang o biyenan nila. Ang hirap kayang makisama at gumalaw kung nakikitira lang sa mga biyenan.” - Racquel, Mindoro
“Mahirap kapag nakikituloy lang kahit sa sarili mong magulang hindi ka makadiskarte o makapagdesisyon kahit pa close kami ng mga biyenan ko. Siyempre iba pa rin ang may sariling bahay na malayang magagawa ang gusto ninyong mag-asawa at mga anak.” - Sonia, Trese
“Pinilit ko talaga ang mister ko na humiwalay kami ng bahay. Kasi habang nakikitira kami sa biyenan ko, hindi nagtatrabaho ang asawa ko na umaasa lang sa mga magulang niya. At least ngayon, wala siyang choice kundi kumayod or else hindi kami kakaing mag-anak.”- Gwen, Muntinlupa
- Latest