Smart na pagtratrabaho
Kahit ano pa ang trabaho o industry na pinapasukan, laging hindi sapat ang oras sa isang araw para matapos ang task.
Ang resulta ay patuloy na ang pakiramdam ay laging nahuhuli. Hindi ito maganda sa productivity o sa iyong kalusugan. Ang inaakalang sagot ng ilan ay mas magtrabaho ng mahabang oras.
Ang totoo, hindi ito kailangang gawin. Sa halip na magdagdag ng extra na oras, mas magiging epektibo sa trabaho kung magpopokus sa kung ano ang dapat na priority. Unahin muna ang mahalagang goals na dapat matapos. Magpokus kung paano ito idi-deal sa ilang oras na i-block ang mga distraction na kung walang sagabal sa pagkonek sa bawat dots ay tiyak na matatapos ang iyong trabaho, bago gawin ang mga susunod na task.
Mas magiging produktibo ang oras at pakiramdam na nababawasan din ang stress at pressure para ma-shoot ang target habang papalapit ang deadline.
- Latest