Benepisyo sa pagkain ng gulay
Sa pagkain ng gulay ay maraming benepisyo sa kalusugan. Ang mga taong kumakain ng mas maraming gulay at prutas bilang bahagi ng overall healthy diet ay mas nababawasan ang panganib na magkaroon ng chronic diseases.
Ang gulay ay nagbibigay ng nutrients na mahalaga sa kalusugan at maintenance ng katawan.
Alamin ang mga sustansyang nakukuha sa gulay.
1. Ang mga gulay ay natural na low in fat, calories at walang cholesterol.
2. Ang gulay ay importanteng pinagkukuhanan ng nutrients gaya ng potassium, dietary fiber, folate (folic acid), vitamin A, at vitamin C.
3. Ang mga gulay ay mayaman sa potassium na nakatutulong na mapanatiling healthy ang daloy ng blood pressure.
4. Ang dietary fiber ng gulay ay nakatutulong bumababa ang cholesterol level at malalayo sa sakit sa puso.
5. Ang buntis ay kailangang kumain ng gulay para sa folate (folic acid) upang matulungan na ma-regulate ang red blood cells. Matutulungan din ang maayos na development ng sanggol.
6. Ang gulay ay mayaman sa vitamin A upang maging healthy ang paningin at balat na maiiwasan laban sa infections.
7. Mayaman sa vitamin C na nagpapahilom ng sugat. Upang mapanatili rin na malusog ang gums at ngipin.
- Latest