Ang obesity ay problema ng karamihan. Bilang refresher, ayon sa National Institutes of Health sa U.S. higit na 68% ng adult sa United States ay kinokonsiderang overweight o obeses na nagreresulta ng risk ng pagkakaroon ng diabetes, cardivascular disease, high blood pressure, non-alcoholic fatty liver na sakit, arthritis, stroke, at ilang klase ng kanser katulad din ng mga nararanasan ng mga Pinoy na ang problema ay ang katabaan.
Alam ng karamihan na ang pag-in take ng sugar-sweetened beverages kasama na ang soda, energy drinks, fruit drinks, sweetened coffee beverages, at iba pa ay positibong inuugnay sa pagtaas ng timbang, diabetes, sakit sa puso, at iba pang overall na poor nutrition.
Ang sobrang amount ng “empty calories” na ang ibig sabihin ay walang nutritional value na mas lalong hindi nagpapabusog sa cravings at pagpagana sa pagkain ng isang indibidwal.
Ang bawat isang twelve-ounce ng lata ay naglalaman ng 140 calories at halos ay 140 na sugar. Ito ay katumbas ng 10 teaspoons ng asukal na dapat ay rekomendadong 6 teaspoons sa isang araw para sa mga babae at 9 teaspoon naman sa kalalakihan.
Habang ang marami ay dapat ay ma-address ang problema.
Importante na baguhin ang pag-in take ng sobrang kain, pag-inom ng alak, at lifestyle. Upang ma-address ang heavy weight na dapat ay palitan ng tubig ang inumin. Payo ng doktor na tubig, tubig, at tubig ang i-switch sa mga sodas na nagpapaganda rin sa balat sa kabuuang kalusugan ng pamilya.