Spring ipinasok sa vagina, ginamit na contraceptive!

Isang babae mula Zhongshan, probinsya ng Guangdong sa South China, ang nagpasok diumano ng spring sa kanyang vagina na inakala niyang magsisilbing pangontra sa kanyang pagbubuntis.

Inakala niya na puwede itong pamalit sa intrauterine device (IUD) o mas kilala sa tawag na coil. Ganunpaman, hindi ito gumana. Nadiskubre na lamang ng mga doktor ang inilagay niyang spring na may habang 2 inches nang magpunta siya roon para magpa-abort.

Tatlo na ang anak ng hindi na nagpakilalang babae, at nasa ika-limang buwan na siya ng pagbubuntis sa pang-apat niyang anak.

“She was five months pregnant and came to our hospital for an abortion procedure. During our checks, we found rings lodged between her vagina and cervix – it was a spring which had already been enveloped by her vaginal tissue,” pagpapaliwanag ng doktor na tumingin sa babae.

Naialis daw agad ang spring sa tulong ng emergency surgery, gumamit daw ng pliers ang mga surgeon para maghiwa-hiwalay na lang dahil hindi nila ito puwedeng alisin ng buo.

Tumagal ng 40 minutes ang operasyon.

“She thought inserting a spring into her body would prevent further pregnancies. She found it on the floor of her workshop. She picked it up, gave it a wash and then inserted it. It is unclear what she does for a living.

She did by herself about half a year ago. It was greatly unscientific, and very unhygienic,” patuloy pa ng doktor.

Sa kabutihang palad, wala namang na-damage na tissue o nangyaring infection sa babae at nakalabas na rin agad ng ospital.

Hindi naman nalaman pa kung itinuloy ba niya ang binabalak niyang abortion.

Ayon naman sa mga eksperto, ang paglalagay ng contraceptive na IUD ay ginagawa lamang ng mga doktor at nurse na may kaalaman tungkol dito.

 

Show comments