Pagbulabog sa cycle ng pagtulog
Inaabot ng 1/3 ng ating buhay ay natutulog ang tao. Ang paligid sa pagtulog ay malaki ang apekto sa quality ng pagtulog ng indibidwal.
Tulad ng kung mayroong TV sa loob ng kuwarto. Katabi ang cell phone sa pagtulog sa gabi. Maaaring maliit na bagay, pero malaking impact sa ating pagtulog.
Terible ang nararamdaman kapag kulang sa tulog. Parang nakalutang ang isipan at groggy. Mayroon ding major na health problems kung poor ang quality ng tulog.
Ang electronic ay sagabal sa masarap na pagtulog. Hindi lamang nagigising sa kalagitnaan ng gabi. Ang electromagnetic ng devices ay nakabubulabog sa immune system. Halos lahat ng tao na habang nakahiga sa kama ay naka-scroll sa Instagram/Facebook. Ang liwanag mula sa screen ay pumipigil sa melatonin, ang hormone na nakatutulong sa pag-shut down ng ating katawan sa pagtulog.
Importante na dalawang oras bago matulog pa lamang ay lumayo na sa screen gaya ng gadgets o TV. Upang maiwasan na hindi masira ang cycle ng oras sa pagtulog.
- Latest