Bad finger gamit ng koreano
Ang mga Pinoy ay kilala sa pagkahilig at pagka-addict pagdating sa kultura ng Korean. Importanteng malaman patungkol sa history at lenggwahe ng South Korea. Kung planong magbakasyon sa South Korea, mag-research muna upang hindi ma-culture shock sa mga bagay na puwedeng makita na kakaiba sa nakasanayan lalo na sa ibang bansang pupuntahan.
Katulad ng huwag mabibigla kapag nakita ang Korean na ginagamit ang kanilng middle finger sa pagturo ng direksyon, sa pag-top ng touch screen, o inuugnay nila sa isang bagay.
Huwag mag-alala, walang masamang intensyon ang ganitong gesture ng mga Koreano, nakasanayan lamang sa kanilang bansa na gamitin ang pinakamahabang daliri sa bawat pagpindot ng button o pagturo sa ibang direksyon.
Huwag mabigla o ma-shock na makita ang mga kinaadikatang kultura na gumagamit ng middle finger kahit kapag nagpi-present o nagpapaliwanag gamit ang kanilang hinlalato.
Kung sa ibang bansa o kultura ay kabastusan ang pagamit ng hinlalato, samantalang karaniwang gesture lamang sa mga Koreano gamit ang pagsesenyales ng kanilang middle finger.
- Latest