Yung time na nali-late ang anak, late ka rin sa opis, napapasigaw, naiinis, nagsusungit kay mister na ayusin o tumulong man lang na linisin ang kalat, at marami pang kapalpakan na nangyayari.
Hindi pa kasali ang mga nakalimutang tawag o text na dapat sagutin, nasunog ang kanin o overcook na ulam.
Hindi maiiwasan na maraming palpak na nangyayari. Paghiga sa kama ay nararamdaman na emotionally, physically, at mentally ay napapagod. Puwedeng iniisip na next time ka na lang maaaring bigyan ng reward bilang “wife of the year.”
Ang totoo, okey na lang na hindi okey.
May pagkakataon lang talaga na may araw, linggo, buwanan, o kahit pa taunan kung saan feeling na hindi natin kayang pantayan ang dapat na itinakdang standard ng lipunan.
Kahit ang pakiramdam na failure bilang indibidwal na misis o nanay. Sa mga araw na malayo ang kalagayan sa ideal na buhay. Kahit ang effort ay alam naman ni mister na malayo sa flawless na inaasahan.
Napapagod ba? Burn out? Okey lang yan! Minsan kailangan mo lang maka-get away para maka-recover sa iyong buhay. Hindi kailangang maging perfect, maging ang asawa, o magkaroon ng perfect kids, o kahit perfect na marriage. Hindi kailangan minsan na deserve ang perfect meal.
Aminin ang kahinaan at struggle ay puwedeng gamiting pagkakataon na i-treasure na maaaring perfect kahit sa kabila ng kahinaan ng bawat miyembro ng pamilya.