Buto ng 150 katao natagpuang nakasilid sa isang bag!

August 24, 2019 nang matagpuan ng mga mi­yembro ng State Brigade for the Search of Disappeared Persons sa Culiacán, Sinalo, Mexico ang isang bag na naglalaman ng mga buto at pira-pirasong parte ng mga katawan ng tao. Ang iba ay mukhang galing sa mga paa at kamay na nanggaling diumano sa 150 katao na pawang sa mga matatanda at bata ayon sa forensic experts.

“I can’t believe they are human, there are too many,” pahayag ng isang expert.

Sa loob ng dalawang dekada, mahigit 57,861 na ang bilang ng mga taong nawawala sa Mexico, at ang bawat miyembro ng mga taong nawalan ng mahal sa buhay ay bumuo ng grupo noong 2016 para mas ma-organized nila ang kanilang paghahanap, at ito na nga ang State Brigade for the Search of Disappeared Persons.

Noong nakaraang dalawang linggo, tatlong tao kasama na ang isang babae ang natagpuang patay ng grupo, may mga tama ito ng bala sa ulo.

Sa kanilang masin­si­­nang paghahanap, nakadiskubre pa sila ng da­lawa pang katawan na ma­lapit sa isang resort.

Ang mga buto na nakita ay nasa lugar diumano ng La Primavera, isang luxury mini city na kung saan puro mayayamang businessmen at mga pulitiko ang nakatira. Ang bawat isang bahay ay nagkakahalaga ng $10 million o mahigit P519-M.

Ayon sa isang Mexican newspaper, sa mga nagdaang taon ay palaging may nakikitang bangkay sa nasabing mini city. Naglalagay pa nga raw ng mga krus ang iba doon bilang tanda kung saan natagpuan ang mga katawan.

Hindi pa rin nareresolba hanggang ngayon ang nangyayaring misteryo sa lugar ng Culiacán, pero ginagawa na ng awtoridad ang lahat ng kanilang makakaya.

 

 

Show comments