“Maganda yan para mas may oras nga na maka-bonding ang mga anak ko kaysa sa hindi makasama sa mga lakad ang anak namin kasi lagi siyang may assignment tuwing weekend. Thumbs ups ako riyan. Ayokong pati ako ay ma-stress sa mga homework ng mga bata.” – Carol, Caloocan
“Puwede naman na tatlo or less na subjects lang na kayang gawin ng bata. ” – Vicky, Quezon
“Naku puro cell fone at nood lang ang lalong ginagawa ng mga anak ko kapag Sabado at Linggo. Hindi rin tumutulong sa loob ng bahay. Mas gusto ko pang may assignment sila para maging busy at hindi yung puro laro lang kapag weekend.”
“Okey yan para wala ng rason ang mga anak na busy sila sa HW para makatulong sa gawaing bahay.” – Patty, Imus
“Dapat bigyan pa rin para matuto na mag-budget ng oras sa paggawa ng HW. Unahin muna ang assignment bago ang barkada o laro.” –Van, Manila
“Tayong lahat ay lumaki sa ganyang sistema na natuto maging responsible. Dapat ganyan din sa henerasyon nila ngayon para masanay sa college. – Marjorie, Laguna
“Maganda nga may assignment para magawa sa bahay ang hindi natapos. Plus yung mga HW ay minsan ang panghabol ng teacher para mahatak ang grades. Tapos bibigyan pa ng penalty na magbayad ang mga teachers kapag nagpa-assignment. Tinutulungan na nga ng teacher para makahabol at hindi bumagsak, tapos pagbabayarin pa sila. Nasaan ang hustisya?” – Dolly, Dasmariñas