Pangontra sa insekto sa kusina
Masasabing ang kusina ang isa sa mga lugar sa ating bahay na paboritong pamugaran ng mga insekto. Palagi kasi itong nababasa at dahil may mga pagkain na naka-store rito, buhay na buhay sila.
Mas nakakainis pa ‘pag pinapasok ang mga lalagyan ng harina, cornstarch, asukal, gatas, at iba pa. Pero alam n’yo bang isang dahon lang ang katapat ng mga pesteng insektong ‘yan na mahilig “makikain” sa ating mga kusina? Oo, dahon ng laurel o bay leaf lang ang katapat ng maraming insekto.
Bukod sa pagpapatiling tuyo ng ating mga kusina at tamang pag-iimbak ng mga pagkain, umaayaw din ang beetles, weevils, moths, ipis, langgam, at maging langaw sa amoy ng dahon ng laurel.
Ang dapat n’yo lang gawin ay maglagay ng dahon ng laurel sa mga lalagyan ng asukal, cornstarch, harina, bigas, at iba pa. Kahit sa mga drawer ay maaaring iwan ang dahon ng laurel at tiyak hindi na ito lalapitan ng mga peste.
Burp!
- Latest