Ang lamok ay maliit na lumilipad na insekto. Ang babaeng lamok ay mahaba, matulis ang mouthpiece na pang sipsip nito ng dugo.
Ang ilang kagat ng lamok ay harmless, pero ang iba ay nagdadala ng mapanganib na mga sakit.
Bukod tanging ang babaeng lamok ang nangangagat. Ito ay nagsisilbing protina sa kanilang itlog.
Ang kagat ng lamok ay mapinsala sa kalusugan dahil nagsasalin ito ng mga sakit na ikinamamatay sa buong mundo. Ang malaria ang karaniwang sakit ay nagtala ng 338,000 na namatay na katao globally noong 2015.
Alamin ang komplikasyon na mapanganib ng mga seryosong sakit mula sa kagat ng lamok.
1. Dengue fever na maaaring magkaroon ng mataas na lagnat, pagkakaroon ng rashes, pananakit ng kalamnan, at joint pain. Ang extreme na kaso ay nagkakaroon ng severe na pagdurugo, shock, at kamatayan na ang sakit ay laganap na epidemic sa ating bansa ngayon.
2. Malaria ito ay mula sa parasites na dahilan ng impeksyon na pinapatay ang red blood cells.
3. West Nile virus na karaniwan ay walang ipinapakitang sintomas kahit pa ang ilan ay nagkakaroon ng lagnat o ubo. Ang severe na kaso ay nade-develop sa nervous system.
4. Yellow fever na ang virus ay dahilan ng inflammation sa brain at spinal cord. Ang sintomas ay lagnat at pananakit ng lalamunan.
5. Zika virus na karaniwan ay mild condition na may lagnat, joint pain, at may rashes. Maaaring lumilipas ang sakit sa loob ng isang linggo, pero puwedeng magresulta ng congenital na komplikasyon ang nabuntis na babae pagkatapos makagat ng lamok.
6. Chikungunya na pananakit ng kasu-kasuan, ulo, nagkakaroon ng rashes, at lagnat. Ang taong mayroong ganitong sakit ay kailangang ng bed rest at fluid intake para sa recovery.
7. Kapag napansin na nakagat ng lamok at nakaramdam ng ilang sintomas gaya ng lagnat ay agad na magpasuri sa inyong doktor.
Maaaring maiiwasan ang makagat ng lamok kung pananatilihing malinis ang ating kapaligiran.