Dear Vanezza,
Imagine ang iniisip kong BFF ay traydor pala sa akin. Nalaman ko sa mga common friends namin na kung anu-anong negatibong sinasabi sa akin. Wala akong balak na komprontahin siya dahil nawalan ako ng gana. Gusto ko na lang lumayo sa kanya, pero panay pa rin ang lapit niya sa akin. Ano po ang gagawin ko? – Banjie
Dear Banjie,
Layuan ang taong yan, dahil hindi siya tunay na kaibigan. Bagkus lapitan ang mga indibidwal na mas naniniwala sa iyong kakayahan at nagpapasaya sa iyon gbuhay.
Sumasainyo,
Vanezza