Ang daming gustong manalo ng lotto, pero kahit ilang taon nang tumataya ay parang mas marami pa ang naitalo. Sa halip sana na ipangsugal ang pera ay ginamit na lang sa pagkakaperahan na yumaman pa sana.
May detalyeng exercise na puwedeng gawin upang malinawan sa buhay na makatutulong na malaman kung paano nga ba maging bilyonaryo at ma-achieve ang financial independence.
Kahit sa simpleng simulan na pagsusulat ng inyong ideas. Magkaroon lamang ng spiral notebook na dapat ay laging bitbit hanggang maaari, para isulat ang bawat idea na naiisip maghapon.
I-review ito ng regular na basis dahil minsan may naiisip na idea habang nagmananeho, nakaupo, nagbabasa, nanonood ng TV, o habang nakikipag-usap.
Puwedeng ang insight na pumasok sa isipan na maaaring pagsimulan ng inyong kayamanan.
Tandaan ang goal ay magkaroon ng mas maraming pera kaya isulat agad ang pumapasok na ideas kung paano ma-achieve ang goals.
Madalas kapag hindi agad naisusulat ang ideas o naiisip na concept, mabilis din itong makakalimutan.
Pero daig pa ng matalinong tao ang smart na indibidwal na laging nagsusulat ng notes.
Hindi lang ito simpleng pagsusulat dahil kasabay ng motor skills ng paggalaw ng kamay gamit ang lapis o ballpen ang pag-spark din sa ating brains upang nagising ang malikhaing pag-iisip.