Ang blueberries ay kabilang sa super food na mayroong healthy benefits.
Tulad ng pagbibigay ng antioxidants. Nakatutulong sa digestion. Nagpapaganda ng skin sa pagkakaroon ng glow. Nagpo-promote ng healthy bones. Sinusuportahan ang magandang daloy ng blood pressure. Nagbibigay ng boost para sa mainam na function ng brain. Nakatutulong na labanan ang mga sakit sa puso at kanser.
Ang bottomline, idagdag ang blueberry sa diet o menu tuwing may pagkakataon. Sa halip na magkasakit sa puso, magkaroon ng blood clots, strokes, at kidney failure. Huwag hayaan na magapos ng anomang sakit na nabanggit na madalas na nabibigyan ng gamot para sa kanilang medication.
Para maiwasan ang anomang karamdaman ay subukan ang natural na pagkain ng gulay at prutas gaya ng blueberry. Tandaan, ang superfood ay hindi drug, pero powerful ang epekto na sapat na makatutulong upang bumaba ang risk ng sakit sa puso, cancer, at bonus pa gumanda ang iyong mood. Ang epekto ng diet sa pagkain ng blueberry ngayon ay magsisilbing investment para sa kalusugan.