Money habits

Magiging epektibo ang financial goals kung magkakaroon ng money habits. 

Kung may goals ay na­hahatak ng drive na makatutulong na maisip kung anong gustong buhay pagkatapos ng lima, sampu, labinglima o kahit dalawangpung taon.

Ang habits ay kaila­ngan ng aksyon para mag-work out sa financial world.

Kahit ano pa ang sitwasyon ng buhay ay importante ang maging frugal o matipid para paghandaan ang iyong future.

Magkaroon ng “waiting list” dahil ang totoo hindi maiiwasan na bumili ng mga bagay na gusto natin kahit pa sabihin natin na ito ay luho. Payagan ang sarili na bumili ng mga pangarap na gamit o bagay. Pero turuan ang sarili na maghintay muna na bilhin sa tamang oras.

Kung mayroong listahan ng mga bibilhin ay nababawasan na maging impulse buying o mag-purchase ng mga gamit na puwede namang hintayin kapag nakaluwag na ng kaunti kung kailan may budget nang bumili ng items na gusto.

Show comments