Endometriosis

Ang endometriosis ay ang abnormal na paglaki ng endometrial tissue tulad sa nangyayari sa lines sa interior ng uterus o matres ang kaibahan nga lamang ay sa labas ito ng matres tumutubo.

Mga senyales at sintomas ng endometriosis 

Karaniwan sa mga may endometriosis ay walang sintomas, pero sa iba ang mga senyales:

* pananakit sa pelvic tuwing may menstruation at nababawasan pagkatapos ng ‘dalaw.’

* Masakit kapag nakikipag-sex

* Pagka-cramps sa pakikipag-sex, pagdumi, at pag-ihi

* Infertility

* Masakit sa pelvic examinations

Ang sakit na nararamdaman ay nagbabago buwan- buwan at depende rin sa tao. Ang iba, grabe ang sakit na nararamdaman, pero ang iba ay gumiginhawa kahit walang iniinom na gamot. Depende rin ang pain kung nasaang parte tumubo ang endometrial implants ng endometriosis. Ang mas malalim na implants at mga implants na nasa lugar na maraming nerves ay mas masakit. Puwede ring mag-release ng mga substances ang implants  na nagiging sanhi ng  nararamdamang sakit.

Nararamdaman ang sakit kapag ang endometriotic implants ay nagiging sanhi ng scarring ng mga kalapit na tissues.

Show comments